EPEKTO NG PANDEMYA SA EDUKASYON
Isang malaking isyu sa gitna ng coronavirus pandemic ang mga problemang umusbong tungkol sa edukasyon. Iba’t iba ang paraan ng mga eskwelahan at ahensya ng gobyerno sa pagsagot sa sitwasyon. May mga eskwelahang nagsuspende ng klase, lumipat online, at may iba namang te inapos ang school year. Ang desisyon ng DepEd ukol sa guidelines sa paparating na pasukan ay base sa isang survey. Ngunit ayon kay Magsambol: "Ang concern ko sa blog na ito, sino ba ang makaka-access ng surveys na ito na ginawa nila online? Iyong mga may internet access din. Paano natin mabibigyan ng boses iyong mga walang access sa internet? Paano sila makakapag-participate doon di ba?" Isa na dito sa di magandang dulot ng bagong proseso ng edukasyon ay ang mag aaral ay nahihirapan na sa kanilang mga gawain sa paaralan na nag dudulot ng anxiety at depresyom na nauuwi sa sanhi ng pag kitil ng sariling buhay. Maganda ang ideya ng DepEd na Online Class at Module pero marami parin ang mga estudya...